top of page

Talumbuhay ni Marcelo H. del Pilar sa panulat ni Antonio Valeriano

PAHAPYAW NA BALIK-TANAW


Noong taong 1850, nang iluwal sa isang maliwanag si Marcelo H. del Pilar, ang Pilipinas na noo’y nasasakop ng bansang Espanya, ay pinamamahalaan ni Gobernador-Heneral Narcisco Claveria. Na tanyag ang gobernador na ito sa kanyang kautusang nagpapalit sa mga huling pangalan ng apelyido ng mga Pilipino noong 1849. Siya ay hinalinhan ni Hen. Antonio de Urbiztondo noong ikaw-27 ng Hunyo.


Ang Pilipinas ay binubuo noon ng tatlumpu’t limang mga lalawigan at dalawang purok, at may 300 kura na namamahala sa mga paroko ng 400 bayan (noo’y tinatawag na pueblo o minucipio) na nag karamihan sa mga kurang ito ay mga paring Pilipino.Ang mga prayle at paring Hesuwita, na noong taong 1679 ay pinaalis sa Pilipinas, ay muling pinabalik noong 1852 sa panahon ni Gobernador-Heneral Urbiztondo. Dito nagsimula ang pag aalitan ng mga prayle at ng mga paring Pilipino.


Si Hen. Urbiztondo ay pangsamatalang pinalitan ni Gobernador-Heneral Ramon Montero noong ika-23 ng Setyembre 1853 at ito ay hinalinhan naman ni Gobernador-Heneral Manuel de Pavia noong ika-2 ng Pebrero 1854. Sa panahon ni Gobernado-Heneral Pavia nagsimulang madilat ang mga mata ng mga Kastila sa pangangailangan ng mga pagbabago sa pamamalakad ng Pamahalaan sa Pilipinas. Sangayon sa kanya, ang katumbas ng Pilipinas ay “isang matandang tao na pinilipilit bihisan ng mga damit na pangbata”, at ito ang siyang dahilan ng mga katiwalian, kailangan at tungaliang nagaganap noong panahong yaon.


Noong ika-18 ng Nobyembre1854 si Gobernador-Heneral Pavia ay hinalinhan ni Hen. Manuel Crespo y Cebrian. Halos lahat ng mga pinuno sa Pamahalaan ay pinalitan din s autos ng Hari ng Espanya. Nang taong ito ay nagsimulang nakapasok sa Pilipinas ang Masoneriya mula sa Espanya, subalit hindi pinahintulutang makaanib ang mga Pilipino.

Pagkaraan ng ilang taon ay nagtatag ang kauna- unahang lohiya ng Masoneriya sa Pilipinas na tumanggap ng mga Pilipino. Si Jacobo Zobel y de Zangroniz ang itinuturing na kauna-unahang Pilipinon nagging Mason sa Pilipinas.


Upang masugpo ang maluwag na pagpasok sa Pilipinas ng mga aklat at iba pang babasahing nakapinsala sa kapakanan ng Simbahang Katoliko at ng Kaharian ng Espanya, ay itinatag noong 1856 ang isang pamalagiang lupon sa pagsisiyasat o pagsensura. Ito ang taon na isinilang si Graciano Lopez-Jaena sa Jaro, Iloilo, na lumao’y nakasama ni Plaridel sa Kilusang Pagpapalaganap sa Espanya at siyang hinalinhan niya bilang Patnugot ng pahayagang La Solidaridad.


Si Bernardo Crespo ay pinalitan ni Gobernador-Heneral Fernando de Norzagaray y Escudero noong Marso 1857. Sa kanyang pamamahala nagsimula ang pagtatag ng mga paaralang nauukol sa mga batang babae sa pook na kinaroroonan ng mga paaralang nauukol sa mga batang lalake. Upang mapaunlad ang pagtatanim ay itinayo sa Maynila ang isang paaralan sa paghahalaman at pagsasaka.


Dahil sa pagbbalik sa Pilipinas ng mga prayle at paring Hesuwita na natanyag sa kanilang pagiging magaling ng mga guro ng liberal sa pakikitungo sa mga Pilipino, sila ay pinahintulutan ni Gobernador-Heneral Norzagaray na muling makapagturo at mungkahi niya ang Ateneo de Municipal de Manila (ngayo'y Pamantasan ng Ateneo de Manila), ay sa inalis sa ilaim ng pamamahala ng munisipyo ng Maynila, at inilipat sa kamay ng mga Hesuwita. Ang paglilipat na ito'y pinasinayaan noong taong 1859. ito rin ang taon ang dumalaw sa Bulakan si Fedor Jagor, bantog na pala-aral, siyentipiko at manlalakbay na Aleman, at lumao'y nakilala si Dr. Jose Rizal sa Espanya. Noong 1873 ay inilathala ni Jagor ang kanyang aklat na kasama ang kanyang mga pagsasalaysay tungkol sa paglalakbay nya sa Bulacan.


Noong ika-19 ng Hunyo 1861 ay isinilang sa Kalamba, Laguna ang pinaka dakilang anak ng Lahing Kayumanggi, si Gat Jose Rizal, na lumao’y nagging matalik na kaibigan at katulong ni Plaridel sa Kilusang Pagpapalaganap sa Espanya, bukod sa marami pang iba.

Bunga ng pagbalik ng mga prayle at paring Hesuwita sa Pilipinas, sa atas ng isang kautusang pinagtibay noong ikaw-10 ng Setyembre 1861, ang mga prayleng Rekoleto na napilitang isuko ang kanilang mga paroko sa mga Hesuwita sa Mindanaw ay ginantimpalaam ng pagbibigay sa kanila ng katumbas ng mga paroko sa mga lalawigang nasasakop ng arkdiyose ng Maynila.


Ang pangyayaring ito ay nakapinsala sa mga paring Pilipino na ang marami ay inalis sa mga parokong matagal na nilang pinamamahalaan. Si Pari Pedro Pelaez, ang magiting na paring Pilipino, ay siyang nanguna sa pagputol sa pagtatanggol sa mga paring Pilipino. Sa isang liham niya sa Gobernador-Heneral ay hiniling niyang pawalang bias ang nabanggit na kautusan. Nang si Pari Pelaez ay namatay noong 1863 dahil sa isang malakas na lindol, ang kanyang pagsisikap ay ipinagpatuloy ng isa sa kanyang nagging mag aaral, si Pari Jose Burgos, na binitay, kasama nina Pari Gomez at Zamora, noong 1872 pagkakaraang maganap ang pagbabangon sa Kabite.


Noong ika-20 ng Pebrero 1862 si Francisco Baltazar (Balagtas), an gating kinikilalang “Hari ng mga Hari ng mga Makatang Tagalog”, at may akda ng walang kamatayang Florante at Laura, ay binawian ng buhay sa Orion, Bataan. Nang taong 1863 ay itinatag ang Ministerio de Ultramar, ang kagawarang ng Pamahalaang Kastila na nangasiwa sa mga lupang nasasakop ng Espanya sa ibat ibang panig ng daigdig. Ito ang isang pangyayari na nagbigay ng panibagong anyo sa katayuan ng Pilipinas. Mula nang ang Pilipinas ay sakupin ng Espanya noong 1521, ang kapuluan ay itinuring ng mga Kastila na isang mahalagang bahagi ng Kaharian Espanya, sa halip na isang kolonya o sakop ng kanilang kaharian sa ilalim ng Ministerio de Ultramar.


Ang pagbabagong ito na siyang nagbigay sa daan sa sukdulang pagmamalabis ng mga nakakasakop sa atin ang isang pangyayaring pinagsikapan ng mga makabayang Pilipino sa buong panahon ng Kilusang Pagpapalaganap na mabago sa hangaring matamo ang pagkakaroon pantay-pantay na kalalagyan ng mga Pilipino at ng mga Kastila sa loob ng balangkas ng Kaharian ng Espanya. Dahil sa pangyayari ito ay malaki ang pinag-iba ng kasaysayan ng Pilipinas.


Dito gumanap ng mahalagang papel sina Marcelo H. del Pilar, Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, Dr. Dominador Gomez, at marami pang ibang Pilipino na bumuo ng Kolonya Pilipino sa lupang Espanya. Ito sa pahapyaw na pagsasalaysay ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa Pilipinas mula noong taong 1850 nang isinilang si Plaridel hanggang sa taong 1863 nang baguhin ang kalalagyan ng Pilipinas at gawing isang kolonya sa halip na isang bahagi ng Espanya. Ang huling pangyayaring ito ang nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay at pagpupunyagi nina Plaridel, Rizal, Lopez-Jaena at iba pang mga kasamahan nilang Propagandistang Pilipino.


Kung ang PIlipinas ay ipinagpatuloy sa unang kalalagayan bilang isang mahalagang bahagi ng Kahariang Espanya, hindi malayo na naging malaki ang pagkakaiba ng naging buhay ni Plaridel at ng iba pa nating maigiting na bayani at kaipala’y ng buong sambayanang Pilipino. Noon ding taong 1863 isinilang si Mariano Ponce sa Baliwag, Bulakan, ang naging matalik na kaibigan ni Plaridel at nakasama niya hanggang sa kanyang mga huling sandal sa daigdig na ito.


Mulang nang nasimulang kausapin ng kastila ang ating lupain, hanggang noong taong 1869, ang Pilipinas ay pinamahalaan nila sa pamamagitan ng Mehiko, na noo’y kanila ring nasasakupan. Dahil ditto ay lubhang naging malayo ang pahatiran mula sa espanya patungong pilipinas at pabalik, at ito rin ang isang naging dahilan ng pagmamalabis ng mga namamahala sa Pilipinas at ng mga prayle. Noon ay nangangailangan na tatlong buwan ang isang sasakayang dagat upang makarating sa Pilipinas mula sa Espanya, tangi sa lubhang mapanganib ang dinaraanan.


Datapuwat noong ika-17 ng Nobyembre, taong 1869 ay binuksan ang Kanal Suez at mula noon ay tuwiran nang tayo’y pinamahalaan ng mga Kastila sa Espanya o at malaki ang inikli ng pahatiran. Nangangailangan na lamang ng isang buwan, humigit kumulang, upang makarating sa Pilipinas mula sa Espanyao pabalik sa pamamagitan ng Kanal Suez.

Ang pangyayaring ito a nagbunga pa rin ng ilang kabutihan sa atin. Una, ay nabawasan ng malaki ang gugulin sa paglalakbay-dagat at dahil dito’y dumami ang Pilipinong nagtungo sa espanya at ibang dako ng europa upang mag aral. At ikalawa’y nagkaroon ng magandang pagkakataon ang pagdaloy ng mga makabago at makalayang kaisipan, gayon din ng mga lathalain, mula sa europa patungong pilipinas.


Ang dalawang ibunugang ito ng pagbubukas ng Kanal Suez ay siyang lalong nagpabilis at nagpaisgla sa mga makabayang pagtataguyod ng mga Pilipino, at sa panahong ito natampok ang isang maningning na pangkat ng mga kabataang Pilipino na nagpunyagi at nagpakasakit ng lahat sa kanilang nakayanan sa dambana ng kanilang Inang-Bayan. Kabilang sa maringal na pangkat na ito ay si MARCELO H. DEL PILAR, o Plaridel, sa kanyang lalong napabantog na sagisag-panulat, bukod kina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Mariano Ponce, Antonio Luna, at iba pa.


II – PAGSILANG, MGA MAGULANG AT KAPATID


Si Marcelo H. Del Pilar ay isinilang noong ika-30 ng buwan ng Agosto, taong 1850, sa sitio o purok ng kupang, nayon ng San Nicolas, Bulakan, Bulakan. Noon ang baying Bulakan ay siyang ulumbayan o kabesera ng lalawigan ng Bulakan. Siya’y biniyagan sa Simbahang Katoliko ng Bulakan ni Pari tomas Yson noong ika-4 ng Setyembre. Si don Lorenzo alvir ang tumayong ninong.

Ang pagkakabinyag na ito ni Plaridel ay nakatala sa labor de bautismo ng haturang simbahan, aklat Blg. 15, Folio Blg. 355. Si plaridel ay bininyagan sa pangalag Marcelo hilario.


Si Don Julian H. del Pilar, ang ama ni Plaridel ay isang dalubhas, sa balarilang Tagalog, mananalumpati, makata, tatlong ulit na nanging gobernadorcillo ng Bulakan (1831, 1854 at 1864-1865), at pagkaraan ay naging official de mesa ng alcalde mayor ng lalawigan. Noong taong 1849 ay idinugtong niya sa kanyang pangalan ang apelyidong del pilar bilang pagsunod sa kautusan ni gobernador-heneral narciso claveria noong 1849.

Ang ina ni plaridel, si donya blasa gatmaitan na lalong nakilala sa kanyang palayaw na blasica ay nagmula sa matandang angkan ng mga maharlika tagalong tulad ng ipinahiwatig ng Gat sa kanyang pangalan. Ang magulang ni Plaridel ay isa sa mga nakaririwasang mag asawa sa Bulakan, Bulakan at nagmay ari ng malaking lupang palayan at palaisdaan, gayon din ng mga lupang tubulan at ng isang kabyawan.


Si Marcelo ay sinundan ng pinakabata o bunso sa magkakapatid. Ang pinakamatanda, si toribio, ay naging isang paring katoliko, kaibigan ni pari jose burgos, at kasamang napatapon sa guam (pulo ng marinas) sa gitna ng dagat pacific, pagkaraang ng maganap ang pagbabangon sa kabite noong 1872. Ang sumusunod kay toribio, ay sina andrea dorotea, estanisloa, juan, hilaria, valentine, maria, Fernando at si Marcelo, ang ating bayani.


Dahil sa karamihan ng kanyang mga kapatid, nang yumao ang kanilang magulang ay ipinaubaya ni plaridel sa kanyang mga kapatid ang bahaging dapat mapasakanya ng mga naiwanang ari-arian ng kanilang magulang.


III-PAG-AARAL AT PAGHAHANAP-BUHAY


Tulad ng naging kaugalian noong panahong yaon no Plaridel, ang kanyang naging unang guro ay ang kanyang butihing ina na si Donya Blasica, kung paanong si Donya Teodora Alonzo ang siyang naging unang guro ni Dr. Jose Rizal.

Ang sumunod na naging guro ni Marcelo ay ang kanyang amaing si Alejo H. del Pilar, isa ring magaling na manunulat, at pakaraan ay nagpatuloy siya sa isang pribadong paaralan na pag aari at pinamamahalaan ng isang gurong nangangalang Jose A. Flores sa Maynila. Pagkatapos ay lumipat siya sa Colegio de San Jose at ditto niya tinapos ang Bachiller en Artes (Bachelor of Arts).


Noong taong 1867 ay lumipat siya sa Colegio de Sto. Tomas de Manila at dito niya tinapos noong taong 1870 ang Bachiller en Filosofia (Bachelor of Philosophy). Nagsimulang mag aral ng Batas si Plaridel noong 1872 sa Real y Pontificia Unibersidad de Santo Tomas de Manila (ngayo’y University of Sto. Tomas o Pamantasan ng Sto. Tomas).


Tatlong taon (1872-1873, 1874-1875 at 1875-1876) na siya ay natigil sa pag aaral at ito ay dahil sa kanyang pakikipag alit sa kura ng Simbahan ng San Miguel, sa Maynila. Si Plaridel ay nasadya roon upang maging ninong ng isang sanggol na bibinyagan, subalit dahil sa di makatwirang halaga na sinisingil ng naturang pari ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na humantong sa isang mapait na wakas. Si Plaridel ay isinuplong ng nasabing kura sa may kapangyarihan dahil sa diumanoy pagiging pilibustero o laban sa pamahalaang Kastila at siya ay ipinalit na tumagal nang 30 araw at pagkaraay sapilitang itinigil sa kanyang pag aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas.


Hindi pa natatagalan na nag may akda ng talambuhay na ito ay nagkaroon ng sipi ng mga ulat (transcript of records) hinggil sa pag aaral ni Plaridel ng batas sa Pamatasan ng Sto. Tomas. Sang ayon sa dokumentong ito, si Plaridel ay nagsimulang ng pag aaral ng batas noong taong 1871-1872 at nagtapos noong 1881, kung kalian ay nakamit niya ang kanyang pagka-manananggol (Licenciado en Jurisprudencia o Licenciate in Jurisprudence.) Ang kanyang natamong m, taga grado o marka ay tulad ng mga sumusnod:


“1871-72 Derecho Canonico (1st yr.) Mediano (fair) Derecho Romano (1st yr.) Aprovechado (improved) 1873-74 Derecho Cannonico (2nd yr. Mediano 1879-80 Procidimientos Judiciales, prc tica y oratoria forenses (1st yr.) elementos de literature gral. Y literature espenola (6th gr.) sobresaliente (excellent) 1880-81 id, id, id. (7th yr.) mas de seis meses de curso.”


Ang dokumentong ito na may taglay na blg. 536.897 ay nilagdaan sa Maynila no Don Antonio Estrada, Abogado at Kalihim ng naturang pamantasan, noong ika 4 ng Marso, taong 1881. Sa dokumentong ito ay mapapansin ang tatlong taon na itinigil ni Plaridel sa pag aaral. Ang lahat halos ng mga sumulat ng talambuhay ni Plaridel noong nakalipas na panahon ay nagkakaisa na an gating bayani ay natigil nang walong taon sa kanyang pag aaral at nagtapos noong taong 1880, datapuwat maliwanag sa ulat na ito na mula sa Pamantasan ng Sto. Tomas na siya ay tatlong taong lamang natigil sa pag aaral at nagtapos taong 1881, hindi 1880. Kung tutuong siya ay natigil nang walong taon sa pag aaral, ay dapat sanang siya ay nagtapos noong taong 1886 at hindi noong taong 1881.


Sinabi rin ng mga sumula ng talambuhay ni Plaridel na ang Dakilang Bulakenyo ay natigil ng pag aaral noong taong 1869 0 1870, subalit ito ay hindi maaaring magkatutuo sapagkat malinaw sa ulat ng Sto. Tomas na siya ay nagsimula ng pag aaral ng batas noon lamang ika-2 ng Hulyo, taong 1871. Noong taong 1869 at 1870 si Plaridel ay kasalukuyan pang nag aaral ng pilosopiya.


Si Marcelo ay natuto ring tumugtog ng biyolin, piyano at plauta. Naging magaling din siya sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng palasan, ngunit hindi siya naging pala away. Naging likas sa kanya nag pagiging mahusay na bumigkas ng mga dalit, bugtong at dupluhan na patula at siya’y lubos na kinagiliwan ng marami sa mga pagtitipon.


Noong taong 1860 (humigit_kumulang) si Plaridel ay nagsimulang maglingkod sa tanggapan ng kanyang amaing si Alejo H. del Pilar, pagkaraan ay naging official de mesa sa Pampangga noong 1874 o 1875 at pagkatapos ay sa Quiapo noong 1878 o 1879.

Noong taog 1882 hanggang 1887 ay naglingkod siya bilang isang abogado ng Real Audencia sa Maynila. Sa paglilingkod na ito ay isa siya sa nagpapaliwanag ng mga batas sa kautusan ukol sa Pamahalaang-Sibil ng Espanya sa Pilipinas.


Sa pagitan ng taong 1881 at 1888 ay itinaguyod niya ang pagiging manananggol at bagamat hindi niya lubusang iniukol ang kanyang buong panahon sa hanap buhay na ito ay naging matagumpay siya larangan ito. Noong taong 1881 hanggang 1887 ay itinaguyod niya ang pagiging manananggol at bagamat hindi niya lubusang iniukol ang kanyang buong panahon sa hanap buhay na ito ay naging matagumpay siya sa larangan ito.


Malaki rin ang kinitang salapi ni Plaridel sa pagiging mananggol sa kabila ng hindi niya pagsingil sa maralitang ipinagtatanggol o pinaglilingkuran nya. Nakapagtayo siya ng isang malaking tahanan sa San Nicolas, Bulakan, Bulakan, at nakabili ng mga lupa at palaisdaan na lumaoy naipagbili niyang siya’y puspusang lumahok sa pagtataguyod ng makabayang pagsisikap at sa pagtatanggol ng kanyang mga inaaping kababayan hanggang sa siya’y namulubi.


Noong taong 1894 nang si Plaridel ay nasa Madrid, Espanya ay ibinalita sa kanya ng kanyang bayaw na si Deodato Arelleno, ang pagkamatay ng kanyang amain na kung tawagin niya ay “amba ato” na ayon kay Plaridel ay malaki ang naging impluwensiya sa kanyang pag aaral. Sa kanyang liham noong ikaw-16 ng Agosto nang taong yaon, sa kanyang nanging maybahay na si Marciana H. del Pilar ay ganito ang kanyang sinabi:

“ykinalumbay ko ang pagkamatay ng ba ato, na ibinalita sa akin ng ka dato.


Ang ba Ato ay isa san aka ganyak sa akin pagkatapus ng aking carrera. Bata pa akong munti ay hindi na ako hiniwalayan ng ka yuyuyong na ako’y magaral: sarisa binata na ring amuki ang ginagawa sa akin niyang ako’y bata pa upang yakapin ko ang tunay sa loob ng pag aaral ay sa tulak ng amba Ato. Ng ako’y binata na ay gayon din; hindi ako hinihiwalayan ng kanyang magandang payo. Ano pa bagama din aka pag aral ang ba Ato, ay dakilang ang naitulong sa pag aaral ko.

Saying! Kun ang ba Ato ay nakapagaral ay malayo sana ang inabot ng Bulakan. Na sa langit naua!”


IV – PAG-IISANG DIBDIB AT NAGING MGA SUPLING


Noong buwang ng Pebrero 1878 ay nakisang dibdib ni Plaridel ang kanyang pinsang makalawa na si Marciana H. del Pilar, na kilala sa kanyang palayaw na Tsanay (chanay), anak ni Marcos H. del Pilar. Ayon kay Ana h. del Pilar, ang kanyang ina ay “tahimik, mahiyain at di palaimik”. Ikinisala sila sa Tundo, Maynila at nagkaroon sila ng pitong supling: Sofia, Jose, Maria, Rosario. Maria Coonsolacion, Jose mariano Leon, Ana, at Maria Concepcion. Maliban kay Sofia at Ana, ang mga magkapatid ay namatay noong sanggol pa lamang.

Sa dalawang nabuhay ay si Sofia ang siyang higit na namalagi sa gunita ni Plaridel hanggang sa kanyang huling sandaling ng buhay, datapuwat si Anita ang siyang lalong nagmahak sa kanya. Noong nagdadahop si Plaridel sa Espanya ay binuksan ni Anita ang kanyang munting, alkansiya at ang naipon niyang piso ni Plaridel kay tsanay (24 Mato 1893) ay ganito ang kanyang isunulat:


‘Totoong hindi ko malimot limotan ang padalang piso sa akin ni Anita. Huag mo naman sanang tinotoo ang pagdadala at ng nabili ng chapin si Ineng. Nagpuputok ang dibdib ko tuwing gugunitain ang pagsasalat ninyong mag iina riyan; kaya malaki ang nais kong mauwi na at nang maganap ko naman ang pagkakalinga sa mga kapilas niring buhay.”

Si Anita ay lumaki na tapat na malakas ang loob tulad ng kanyang ama. Sa pagsisikap ng kanyang ina, siya’y nakapag aral din at nagtapos ng pagtuturo. Maraming taon na siya’y nagturo sa paaralang bayan ng Bulakan at paminsan –minsang sumulat sa pahayagang Plaridel, na itinatag ni Don Marcianio Crisostomo sa Malolos at ipinangalan sa karangalan ng Dakilang Bulakenyo. Ginamit ni Anita ag sagisag-panulat na Sanggumay.

Noong magdadalaga na si Sofia ay gayon na lamang ang pagaala-ala ni Plaridel sa kanya. Sa lahat ng mga liham niya kay Tsanay ay hindi niya kinaligtaong mag-iwan ng mga paalala habilin ukol kay Sofia. Narito ang isang liham kay Tsanay noong ika-24 ng Mayo 1893:


“Si Sofia ay magdadalaga na, inaasahan kong di mo kalilingatan ang pagaalaga sa kanyang isip at loob; niyong maliit pay’ masikap ka sa paglalayo sa kaniya sa ipakakasakit ng katawan, ngayon naman ay sa sakiy ng kaluluwa dapat pagkaalagaan. Kun sa bagay naman ay may katutubong bait ang batang iyan, ay hindi naman, sa banta kko, magbibigay hirap sa kaniyang ina. Akoy malayo sa inyo, hindi ko maipagtatanggol sa mga panganib diyan. Datapuwa hindi kaya ikakukutya sa sarili ang mga balak na lumapastangan sa anak ko?


“wala akong magagawa kundi ang ipagtagubulin sa iyo na araw araw oras oras ay parati mong pupukawin sa loob ni Sofia ang pagpapaka mahal sa asal.”

Isa pang liham ni Plaridel sa kanyang asawa (2 Mayo 1889) ang kaaninagan ng kanyang pambihirang pagmamahal at pagaalala kay Sofia:


“… Palagi mong ipagbibillin na magpapakahusay sa escuala; huag makikialam sa mga pagpupulaan ng manga caescuela; anis a harap niya’y may pinupulaan ay huag makikipula; kun inaakala niyang totoo ang ipinupula ay gauan ng magaling na sa sabing banayad ay paliitin hanggan mapaliit ang sala ng kapwa bata. Pakailag ilagan ang may masasamang bibig; huag niyang kakaibiganin huag namn caca-auayin ni huag ipahahalata ang kaniyang pag ilag; kun ano inaasal niya kina Panchang at kina Cayang ay gayon din ang asalin sa mga ka escuela; mag pakitang loob sa lahat ngint huag makipag pahaygan kundi sa kanyang ina; huag ilalayo sa isip na ualang makapgmamahal sa kanya nang para nang pagmamahal nang kanyang magulang; mangyayaring dayain siya sa boong mundi ay ualang makakapagtapat na para nang magulang; kaya huag mararahuyong makikipag pahayagan sa kapwa bata; ang lahat niyang ligaya ang lahat nang hapis, lahat ng panganagamba ay ualang mapapahayagan kundi sa ina…”

Noong ika-16 ng Mayo 1889 ay isa na naming liham ag ipinadala ni Plaridel kay Tsanay ay ganito ang kanyang masuyong paalala kay Sofia:


“Si Sofia ay magsikap ng ikatututo; ilang panahon na lamang at kahiya-hiya na siya kun wala pang nalalaman; walang magagawa ang kanyang maestro kung hindi siya ang magpupumili; kung siya’y, ay matuto ay kagalingan niya hindi matuto ay siya ang pangit sa mata ng madla, kaya huag paparis sa ibang bata kundi pa pilitin, kundi pa paruhasan ng maestra ay hindi asicaso ang sariling kagalingan. Bukod sa rito, ano ang ituturo niya kay Anito kun dumating ang panahon at wala siyang natutunan? Ynaasahan kong ibig niyang magapagaling, ibig niyang humusay si Anita, kaya dapat naman siyang mag aral. Mahirap ang mag aral kun nasasakop lamang siya ay ako na ang mag aaral at siyang matuto; ngunit itoy hindi mangyayari; ang dunong ay talagang sukat sa aral ng isat isa.”

Isa pa rin itong lihan na kakakitaan ng mga dakilang aral ni Plaridel, hindi lamang nauukol sa kanyang mga anak kundi gayon din sa lahat ng kabataan.

370 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page