top of page
Writer's pictureMarcelo Del Pilar

PINILING MAGLINGKOD SA BAYAN AT ALAGAD NG EDUKASYON sa panulat ni Antonio Valeriano



Bagamat si Plaridel ay naging isang magaling na manananggol at nagtagumpay sa kaniyang panahong iniukol sa paghahanap-buhay na ito, ay kinusa niyang hindi gaanong gamitin ang kaniyang buong panahon at kakayahan sa pagiging manananggol upang mapaunlad ang sariling kapakanan.


Hindi mapag aalinlangan na kung kainyang nais ay nakapagpatuloy siya sa gayong hanap-buhaynang buong tagumpay; nanging matahimik, mariwasa, maginhawa at maligaya sa piling ng kaniyang kabiyak ng dibdib at mga anak.

Subalit sa halip ay pinili niyang gamitin ang kaniyang pinag-aralan likas na talino at salaping naimpok sa paglilingkod sa kaniyang pinakamamaha na Inang-bayan, sa pagtatanggol sa naaapi at sa pagtatamo sakanila ng katarungan, pagkakapantay-pantay at mga pagbabago. Minsan ay winika niya sa isang liham niya kay Tsanay (26 Nobyembre 1889) pagkaraang mabalitaan niya ang panghihina ng loob ng ilang mga kabababayan sa Bulakan tungkol sa paglilingkod sa kapwa-tao.


“Huwag nilang hahangarin ang matampok sa panalo lamang; huwag lilimutin ang madalas kong sabi sakanila, yaong katalunang panao rin; huwag lalayo sa sa katwiran at sa ikaggaaling ng bayan, mangyayari ang mangyayari, huwag masisindak tungkol sa bagay na ito at manalo’t matalo, ay tayo ang puri. Kung ang mga dating kasama ay humuhiwalay sa kanila at napakakaiba sa mga nagtagumpay, ay pasalamat sila at nagkaron ng panahong napagkilala kung sino ang talagang taga hiyaw lamang ng viva,at kung sino ang may loob sa kababayan, at may loob sa katwiran.

Isa pang pagkkataon ay nagwika si Plaridel ng ganito:


“Ang halaga ng buhay ng isang tao ay nasusukat lamang sa kaniyang paglilingkod sa kawa-tao… Ipagtanggol ang mabuti anuman ang magyari at huwag matakot kung ikaw ay magtatagumpay o masasawi, at ang iyong karangalan ay pagtititbayin at pananatilihin… Mayroong pagkatalo na pagtatagumpay.”


Dinamdam ni Plaridel ng malabis ang nasasaksihan niyang pagdurusa ng kaniyang mga kababayan dahil sa paniniil, pagmamalabis at pagsasamantala ng mga prayle at ilang mga taong pamahalaan. Ito at ang kaniyang naunang mapapait na karanasan ay siyang nagbunsod sa kaniya na ilaan ang kaniyang buong kakayahan at suungin ang mga panganib upang mahango ang kaniyang mga kabababayan sa gayong kahapis-hapis na kalagayan.


Bagamat noon ang bayang ng Bulakan ay siyang ulumbayan ng lalawigan, ang ay Malolos ang pinili niyang maging himpilan o lunsaran ng kaniyang mga makabayang pagttagauyod ng dahilang dooy natagpuan nayagpuan niya nag maraming kapanalig at katulong. Kabilang rito ay ilang may mataas na tungkulin sa pamahalaan at mga kamag-anak, tulad nina Don Vicente Gatmaitan (ang kaniyang bayaw), at Mariano at Manuel Crisostomo.


Mula sa Malolos ay inilunsad niya noong 1887 ang isang dibdibang kampanya laban sa mga prayle at narating niya ang ibat ibang mga bayan sa Bulakan, tulad ng Pulian, Paombong, Giginto, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Hagunoy, Norzagaray, Baliwag, Klaumpit, Marilaw, Maykawayan at iba pa. Nasuot niya ang lahat halos ng mga sulok at pagtititpon: mga pistang bayan, lamayan sa patay, binyagan, kasalan, mga pagupitan ng buhok, pamilihan, sabungan at iba pang pinagtatagpuan ng mga taumbayan. Ang mga pagtitipong ito ay sinamantala niya upang ibunyag at tuligsain ang mga kahidwaang ginagawa ng mga paryle at pukawin ang damdaming makabayan ng mga nakikinig sakaniya. Ang kaniyang paggigig magaling na mananalumpati, mambigkas ng tula, dalit at duplo ay naging mabisang kasangkapan niya sa mga kampanyang ito.


Dahil sa pagtataguyod na ito ni Plaridel ay napukaw niya ang nooy nahihimlay na damdamin ng marami niyang mga kabababayan. Nangaral siya tulad baga ng isang apostol. Kumalat ang balita sa malalayong dako tungkol sa kaniyang pagpupunyaging ito hanggang sa siya ay kilalaning pinuno ng Kilusang Pagpapalaganap dito sa ating bayan.

Ang matapang at matulis niyang panulat ay yumanig sa daigdig ng mga palalong prayle, at umalingawngaw hanggang sa malayong lupain ng Espanya. Naging masugid niyang katulong sina Deodate Arellano (ang kaniyang bayaw), Pedro Serrano Laktaw, Mariano Ponce, Rafael Rodriguez, Manuel Crisostomo, Vicente Gatmaitan at Carlos Gatmaitan bukod sa mga iba pa.


Ang kanyang kapatid na si Fernando ay nakatulong rin sakaniya sa pagkalat ng mga makabayang babasahin. Hinagkis niya ang maling pananampalataya, ang mga pamahiin, at mga kabulahanang itinuturo ng mga prayle at pari. Ang kaniyang pagiging mabuting makisama at makibagay ay nakatulong din ng malaki sa kaniyang kampanya. Naging kaibigan niya ang ilang mga hukom, pinuno ng guwardiya sibil, paring Pilipino, mayayam,an at matataas na pinuno ng pamahalaan na ang bawat isa ay nakatulongh sakaniya sa ibat ibang mga paraan.

Ang buong lalawigan ng Bulakan, dahil sa pagpupunyaging ito ni Plaridel, ay nakatulad sa isang bulking sandal ay bubuga ng apoy at kamatayan na hindi mapipigilan nino man. Isang mananalaysay ang nagwika na dahil sa mga pagtataguyod na ito ni Plaridel ay walang dako sa Pilipinas ang makahihigit pa sa lalawigan ng Bulakan sa pagkakaroon ng nag aalab na damdaming makabayan. Sinabi rin ng manunulat na ito na dahil sa puspusang kampanya ni Plaridel, ang Bulakan ay nagging “isang balwarte ng pakikibaka laban sa mga prayle at ng mapaglabang pagkamakabayan noong ikalabing siyam na dantaon.”

Ito marahil ang dahilan kung bakit si Gobernador-Heneral Ramon Blanco, noong nagsisismula ang himagsikan, ay nagwika na “ang kaguluhan ay nasa Kabite, ang panganib ay nasa Bulakan.”

Noong taong 1887 at 1888 si Plaridel bilang kinikilalang propagandista sa ating kapuluan, ay nakipag kaisa rin sa ibang mga Pilipino sa ibang dako tulad nina Sotero Laurel ng Batangas, Jose Ner ng Kabite, at Liberato Manuel ng Bukawe.



ALAGAD NG EDUKASYON


Tulad ng kanyang dakilang kapanahon at kaibigan si Dr. Jose Rizal , si Plaridel ay nagkikimkim ng masidhing pagtitiwala sa edukasyon at itoy binigyan diin nyasa kanyang mga pangaral sa kababayan at sa kanyang mga isinulat. Bago siya umalis ng Pilipinas ay itinagubilin niya ang pagtatag ng isang paaralan na magtuturo ng sining , mga hanap buhay at pagsasaka. Noong taong 1889 ang kanyang mungkahing ito`y nagkaroon ng katuparan ng itatag ng pamahalaan sa Maynila ang isang paaralan sa pagsasaka , at nang sumunod ng taon ay binuksan ang paaralan ng sining at mga hanapbuhay.

Tuwing makakakita si Plaridel ng mga batang nagsasakate ng damo ay ganito ang kaniyang inihahabilin:


“Paghusayan mo ang iyong hanapbuhay, bata. Kung marunong kang magpatubo ng sakate ngayon, sikapin mong bukas ay makapag tanim ka ng palay.”

Sa kaniyang sulat na ipinadala noong ika-13 ng Marso 1889 sa kaniyang mga kababayang dalaga sa Bulakan, sa pamamagitan ng kaniyang ng kaniyang pamangkin na si Bb. Josefa Gatmaitan, ay ganito ang kaniyang winika:


“Ang pag aaral ng babai ay nagbibigay sigla at nagpapataas ng pag aaral ng lalaki kung kaya ugali sa ilang bayang banyaga ang magdiwang sa panahon ng ibat bang paaralan sa kolehiyo, na doon makikita ang mga bata maging babae na nagtutuligsaan sa isip at pinaglalaban ang mga gantimpala na nauukol sa sinumang magpakita ng lalong mataas o lalong magaling na karunungan.


“Tungkulin ninyong pagalingin ang inyong isipan sa pamamagitan ng pag aaral, dapat din ninyong paratingin sa inyong mga kamukha ang inyong nalalamang mga kailangan sa pamumuhay sapagkat huwag ninyong kalimutan pinakamamahalna kadalagahan, ang isang likas na isipan hindi natuturuan ay gaya ng isang paroling walang ilaw, na sa halip ay mamatnubay sa mandaragat ay dinala siya sa pagkalubog.

“Mag aral, paturo, paunlarin ang pagsisikap sa pag aaral at sa gayon ay magampanan ang tungkulin sa lupa.


“Amukiin ang binyong mama, kapatid, lahat ng sainyo ay tunay na nagmamahal; amukiin, inuulit ko sila upang pangalawahan ang mungkahing ito, pagsikapan ang mga paaralan upang mapaunlad ang pag aaral. Pagsabihan silana sa simbahan sa daigdig na naitayo at itatayo pa na siyang dambanang ditto ay higit na kakakitaan ng kabaitan ng karilagan ng Kamutha.”


Ang liham na ito ni Plaridel ay bilang katugon ng isang mahabang liham na ipinadala ni Dr. Jose Rizal noong ika-22 ng pebrero ng taong ding yaon mula sa Londres, Ingglatera, sa kahilingan ni Plaridel upang batiin ang mga dalagang taga Malolos na sa kabila ng pagtutol ng punong lalawigan ng Bulakan at nang kuraparoko ng Malolos, ay naglakas loob na magbukas ng isang paaralang panggabi kung saan sila ay nagaaral ng wikang kastila pagkaraang makamit nila ang pahintulot ni goberbador heneral Valeriano Weyler nang itoy dumalaw sa Malolos noong taong yaon.


Lubhang kinagiliwan at hinangaan ni Plaridel ang mahaba at mapangaral na liham na yaon ni Dr. Jose Rizal at sa kaniyang liham kay Bb. Josefa Gatmaitan at sinabi niyang:

“Labis na maka Bubuti sa inyo na magkaroon ng sipi ng liham na yaon sapagkat wala nang hihigit pa roong mahalagang pamana sa maiiwan ninyo sa hahaliling mga salinlahi.”

Sa isang liham niya kay Tsanay noong ika-14 ng Mayo 1890 ay ganito ang ihinabilin ni Plaridel ukol kay Sofia:


“Ang ibig ko sana ay papagsikapin siya ng pag aaral ngunit gawain ng paraang huwag niyang ipagtanim at ikahapis ang gawang mag aral. Hindi lamang kay Sofia: sa lahat ng bata ay ito sana ang mabuti, huwag hintayin na ang bata nag magkusa sa gayong pagsisikap: ang matanda ang dapat umisip ng sukat ikawiwili ng bata sa ikatututo niya. Ang bata ay walang hilig kundi ang maglilikot at ang sumakandungan ng ina: ang matanda ang siyang dapat maghatid sa bata sa ikawiwili sa pag aaral.”

18 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page