“Ang kamatayan ni Plaridel ay kailangang baliktawin natin upnag muling malaman ang kahulugan ng pagmamartir. Martir din kayang masasabi ang bawian ng buhay ng nag-iisa tulad niya? Namatay siya noong Hulyo 4, 1896 sa isang sanatorium sa Barcelona, Espanya habang nakaupo at pilit pa ring nagsusulat. Natagpuan siyang lupaypay ang katawan , bunga ng kakulangan sa pagkain at pagod, isang kamatayang binigyan ngpaglalarawan sa isang rebulto ng pambansang manlilikhangsi GuillermoTolentino.” --Dr. Jaime Veneracion
Pangkaraniwan na ang ganitong kuwento sa buhay ni Plaridel upang maihanay o kahit na maiagapay man lang sa madulang kamatayan ni Rizal. Ngunit ano nga ba ang magiging implikasyon nito sa kasaysayan? Sa ganitong paglalarawan tila pinabayaan si Plaridel ng kanyang mga kasama partikular na ni Mariano Ponce, sampu ng kanyang mga kamag-anakan sa Espanya at halos walang nakaramay sa kanyang pagdadalamhati.
Hindi namatay sa gutom si Plaridel Espanya
Sa pamamagitan ng pakikipagsulatan ni Plaridel sa kanyang asawa na nailatag ngpag-aaral na ito. Hindi maitatangi na nasalat si Plaridel at nahirapan sa panahon na humihingi siya ng tulong sa kanyang mga kasama at mga kamag-anakan.May tiyempo lamang na siya ay nagipit ngunit hindi naman ito nanatili hanggang siya ay namatay. Sa katunayan nagpadala sila Deodato Arellano mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anakan sa Bulacan at nangako naman si Mabini na papadalhan sila ng pera sa para kanilang pagbiyahe ni Mariano Ponce. Kaya malabong bago siya umuwi ay nanatili ang kanyang kasalatan. Mayroon pang salapi na manggagaling kay Ape na hindi ipinadala kay Plaridel dahil sa bilin nitong gamitin na lang ng kanyang pamilya. Ang lohika ng mga pangyayaring ito, kung gipit pa si Plaridel di sin sana’y iniutos niya pa ang nasabing salapi.
Nagipit ang kalagayan ng La Solidaridad dahil sa maraming pagbabago ang naganap; sa perspektibo ng ilang mga sumusuporta sa kanila; kahigpitan ng seguridad ng pagpapadala ng Soli sa bansa at ang maraming pag-uusig na ginagawa ng mga praile at pamahalaang Kastila sa sinomang mapaghihinaalan at mapapatunayang kabilang sa Masoneriya anomang subersibong samahan. Ngunit si Plaridel ay nakaraos sa kagipitan nyang pang personal. Sa kanyang mga huling sulat ay hindi katulad ng mga taong 1892-1893 na talagang nagdaramdam siya ng kawalang tulong na dumarating sa kanyang paghingi ng saklolo. (mahirap nga naman maiwan sa laban na mag-isa)
Hulyo 4, 1896—Kamatayan ni Plaridel
Nakatakdang bumiyahe sina Plaridel at Ponce patungong Hong Kong noong Pebrero,1896, nang umatake ng malubha ang kanyang karamdamang Tuberculosis. Dahil dito, hindi na nakasampa ng barko ang dalawang bayani.
Buwan ng Hunyo 20, 1896 pinasok sa at nailagay sa surgical section si Plaridel ng Hospilal de la Santa Cruz ngunit walang operasyon na ginawa sa kanya. Kalaunan inilipat siya sa Medical Section.
Hulyo 4, 1896, namatay si Plaridel mula sa sakit na tuberculosis generalizada sa edad na 45. Ayon sa ulat ng isa pa nilang kaibigan na nagngangalang Fernando Canon posibleng kasama rin nito si Mariano Ponce upang antabayanan si Plaridel. Ayon kay Ponce taong 1895 nangsimulang magkasakit si Plaridel lumala ito noong Pebrero , 1896 at napagilan ang kanilang pagbiyahe.
Ang Hospital de la Santa Cruz ay nasa Calle del Hospital, sa pagitan ng mga kalye Cervello at Egipiciacas. Ito ay tinatag noong ikalabing tatlong siglo at mayroong mga departamento ng Medisina at Siruhano, kaya rin nitong tumanggap ng 600 pasiyente.
Ang kanyang kamatayan ay nakatala sa Civil registry sa Distrito del Hospital of the City of Barcelona ganito ang mga nakatalang impormasyon;
1. In the City of Barcelona, at 9:45 a.m. of July 4, 1896. Before me, D. Jose Ricardo Ventosa, Municipal Judge of the Distrito del Hospital, and D. Juan Bautista Sauras, Secretary, there appeared D.Rose Rubio, born in Vilosell, province of Lerida, of Legal aga, married,employee, residentin the Calle del Hospital, n56, first floor, manifesting that D. Marcelo H. del Pilar Gatmaitan, native of Bulacan,province of Ultramar, aged 45, with residence in Calle San Pablo, n.30, first floor, died at 1:15, in the night of this day in the residence(?) of the deponent, as a consequence of generalized tuberculosis, o which he gives due information, as the person in charge.
(Other circumstances)- That the deceased was married to Marciana del Pilar, origin unknown: that he was son of Julian del Pilar and Dona Blasa Gatmaitan, origins unknown. There si no record that he left a testament.
The body wil be interred in the Southwest Cametery.
Ang mga tala naman sa Hospital de la Santa Cruz na nagpapatunay sa kamatayan ni Plaridel sa dalawang aklatarang pangrehistro: ang isa ay sa Libro de Defunciones at ang ikalawa naman ay sa Registro de Entradas de Enfermos. Sa Libro de Defunciones nakatala sa taong 1896 ganito ang mababasa sa wikang kastila:
9. De Pilar Gatmaitan, Marcelo
A los ceurtro de Julio de mil ochocientos neventa y seis, a la una y cuarto de la madrugada, en este Hospital de La Santa Cruz de Barcelona, fallecio de muerte natural Marcelo del Pilar y Gatmaitan, natural de Bulakan (Ultramar), vecino de Barcelona, decuarenta y cinco anos de edad, periodista, casado con Marciana del Pilar, hijo de Julian y Blasa. Reibio los Santos Sacramentos. Fue sepultado en el Cementerio de Sud-Oeste-_Esteban Teixido, Presbitero, Prior.
Dalawa ang gumamit na ng dokumento nito si Dr Bantug at Noberto Romualdez noong 1920 sa mga panahong inaayos nito na maiuwi ang mga labi ni Plaridel sa ating bansa.
Ayon naman kay Dr. Bantug noong 1910, ang medico na tumingin kay Plaridel ay si Dr. Bellini. Ang ikatlong sertipiko ng kamatayan ni Plaridel ay naibigay noong 1995 sa Archdiocesan Archivist ng Barcelona.
Mas detalyadong impormasyon naman ang nakatala sa Registro de Entradas de Enfermos sa nabangit paring hospital. Narito ang mga impormasyong nakasaad:
( CHECK IN)
Year 1896
Month June
Day 20
Entry Number 2041
Name and Surname Marcelo del Pilar
Place of Origin Bulacan
Province Ultramar (Overseas)
Residence Barcelona
Street San Pablo
Number 30
Floor First
Age 45
Profession Journalis
Status Married
Father’s Name Julian
Mother’s Name Blasa
Ward C. (Cirugia, Surgery)
(DISCHARGES)
Month July
Day 4
Particular Ward T (Santo Tomas)
Bed Number 11
Death or exit Death
Death’s Time 1.1/4am. ( one and quarter morning)
Sacraments V. Viatico
E (Extreme Unction)
Observations Filipino
Comments