top of page
Writer's pictureMarcelo Del Pilar

Ang Paraan ng pagtatag ng mga Lihim at Pagpapalawak ng isang Kapatiran ni Plaridel -SG 3246


Saksing buhay si Mariano Ponce ukol sa karunungan ni Plaridel kung paanong maingat na labanan ang kapangyarihan ng simbahan at mga Kastila. Malinaw sa kanyang alaala ang mga aral at layunin ni Tata Selo upang huwag mapaghigantihan habang naghahanda ng mga lihim na samahan:


“Gayon pa man, salamat sa mapangaral na kapusukan at katatagan ni Selong, kung siya tawagin naming kapalagayan niya, ang lawak ng kanyang pagkilos, bagama’t hamak lamang sa simula, ay unti-unting lumawak.”


“ Ang pagtutol, upang lalong maging mabisa, ay nangangailangan ng isang samahan. Ito ang isang sangkap na wala sa pagtutol ng mga pari kung kaya’t sila’y hindi nagtatagumpay. Si Selong, sa pagkilala ng aral na ito bunga ng karanasan, ay nagtatag nang palihim hindi maaaring di gayon- ng kauna-unahang samahang pampulitika na nabuhay sa bayang ito..”


Dinamdam ni Plaridel nang malabis ang nasasaksihan niyang pagdurusa ng kanyang mga kababayan dahil sa paniniil, pagmamalabis at pagsasamantala ng mga prayle at ilang mga taog pamahlaan. Ito at kanyang naunang mapapait na karanasan ay siyang nagbunsod sa kanya na ilaan ang kanyang buong kakayanan at suungin ang mga panganib upang mahangon ang kanyang mga kababayang sa gayong kahapi-hapis nilang kalalagayan.


Bagama’t noon ang bayan ng Bulakan ay siyang ulumbayan ng lalawigan, ay ang Malolos ang pnili niyang maging himpilan o lunsaran ng kanyang mga makabayang pagtataguyod sa dahilang doo’y natagpuan niya ang mga maraming kapanalig at katulong. Kabilang ito ay ilang may mataas na tungkulin sa pamahalaan ang mga kamag-anak-tulad nina Don Vicente Gatmaitan ( Ang kanyang Bayaw), at Mariano at Manuel Crisostomo.


Mula sa Malolos ay inilunsad niya noong taong 1887 ang isang dibdibang kampanya laban sa mga masasamng prayle at narrating niya ang iba’t ibang mga bayan sa Bulakan, tulad ng Pulilan, Paombong, Giginto, Bigaa ( Balagtas), hagunoy, Norzagaray, Baliwag, Kalumpit, Marilaw, Maykawayan at iba pa. Nasuot niya ang lahat haos ng mga sulok at binyagan, kasalan, mga pagupitan ng buhok, pamilihian, sabungan at iba pang pinagtatagpuan ng mga taumbayan.


Ang mga pagtitipong ito’y sinamantala niya upang ibunyag at tuligsain ang mga kahidwaang ginagaw ng mga pralye at pukawin ang damdaming makabayan ng mga nakikinig sa kanya. Ang kanyang pagiging magaling na mananalumpati at mambibigkas ng tula, dalit at duplo ay naging mabisang kasangkapan niya sa mga kampanyang ito.


Dahil sa mga pagtataguyod na ito ni Plaridel ay napukaw niya ang noo’y nahihimlay na dadamin ng marami niyang mga kababayan. Nangaral siya tulad baga ng isang apostol. Kumalt ang balita sa malalayong dako tungkol sa kanyang pagpupuntayging ito hangang sa siya’y kilalanaing pinuno ng Kilusang Pagpapalaganap sa ating Kapuluan.


Ang matapang at matulis niyang panulat ay yumanaig sa daigdig ng mga palalong prayle, at umalingangaw hangang sa malayong lupain ng Espanya. Naging masugid niyang katulong sina Deodato Arellano, Pedro Serrano Laktaw, Mariano Ponce. Rafael Enriquez, Manuel Crisostomo, Mariano Crisosttomo, Vicente Gatmaitan at Carlos Garmaitan, bukod sa mga iba pa.


Ang batang-bata pa noon na si Gregorio H. del Pilar na anak ng kanyang kapatid na si Fernando ay nakulong din sa kanya sa pagkakalat ng mga kabayang babasahin. HInagkis niya ang maling pananamaplatay, ang mga pamahiin, at ang mga kabulaanang itinuturo ng mga prayle at pari. Ang kanyang pagiging mabuting makisama at makibagay ay nakatulong din nang malaki sa kanyang kampanya. Naing kaibigan niya ang ilang mga hukom, pinuno ng guwardiya sibil, paring Pilipino, mayayaman at matataas na pinuno sa pamahalaan na ang bawa’t isa ay nakatulong sa kanya

Sa ibat ibang mga paraan.


Ang buonglalawigan ng Bulakan, dahil sa mga pagpupunyaging ito ni Plaridel ay nakatulad sa isang bulking nagtitipon ng init at lakas upang kung sumapt na ang sukdulang sandal ay bubuga ng apoy at kamatayan na hindi mapipigilan nino man. Isang mananalaysaya ang nagwikang dahil sa mga pagtataguyod na ito ni Pladirel ay walang dako sa buong PIlipinas na makahihigit pa sa lalawigan ng BUlakan sa pagkakaroon ng nagaalab sa damdaming makabayan. Sinabi rin ng manunulat na ito na dahil sa puspusang kampanya si Plaridel, ang Bulakan ay naing “ isang baluwarte ng pakikibaka laban sa mga prayle at ng mapaglabang pagkamakabayan noong ika-labingsiyam n dantaon”.


Ito ang marami ang dahilan kung bakit si Gobernador-Heneral Ramon Blanco, nboong nagsisimula ang himasikan ay nagwika na “ Ang kaguluhan ay nasa Kabita, ang panganib ay nasa Bulakan”.


Noong taong 1887 at 1888 si Plaridel bilang kinikilalang pinakapangunahing propagandista sa ating Kapuluan, ay nakipagkaisa rin sa mga ibang makabayang Pilipino sa ibag dako tulad nina Sotero Laurel ng Batangas -ang Ama ni Jose P. Laurel na naging pangulo, Jose Ner ng Kabite, Liberato Manuel ng Bukawe

21 views0 comments

Recent Posts

See All

댓글


bottom of page