Di kailangan, kapatid ko, ang magbukas ka’t bumasa nang filosopia, o nang Teologia at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang kadakilaan nang Dios.
Sukat ang pagmasdan iyang dimau-ulatang hiyas na ilinaganap sa mundong pinayayamanan mo! Sukat ang pag-uwariin mo ang sarisaring bagay na ditto sa lupa ay inihahahandog sa iong pangpatid gutom at uhaw, pansapi sa iyong kahinaan, pang paui sa iyong kalumbayan, panliuanag sa iyong kadimlan; at alin ka ma’t sino, ay sapilitang mai-ino mo n may isang makapangyarihang lumalang at namamahalang uwalang tiguil sa lahat nang ito.
Masdan mo ang isang kaparangan; masdan mo ang mangangahalamang diya’I tumutubo, buhat sa hinahanamak mong damo hangang sa di mayakap na kahoy na pinamumugaran nang ibon sa himpapawid; masdan mo’t pauang nagpapahayag na ang kanilang maiksi o mahabang buhay ay hindi bunga nang isang pagkakataon; uariiin mo’t mararanasan ang mamay ng Dios, naghahatid oras-oras sa mga halamang iyan nang dilig na ipinanariua, nang init na nagbibigay lakas at pumipiguil nang pagkabulik, nang hangin at iba’t iba pang kinakailangang ilago at ikabuhay hangan sa dumating ang talagang takda ng pag gagamitan sa kanila.
Tingin ang pagkahalayhahay nila’t isang malauak na jardin uari na naghahandog nang galak sa mga matang nanonood; ang mahinhing simoy na naghahatid buhay at nagsasabog naman nang masamyong bango nang knilang bulaklak, isang isang halik uari na ikinikintal sa iyong noo nang lumalang sa atin, kasabay ang ganitong sabi:
“ Anak ko, ayan ang buhay, ayan ang ligaya, hayo’t lasapin mo’t iya ihandog na talaga nang aking ganap na pagmamahal; bundok, ilog at karagatan ay pauang may inimpok na yamang itinataan ko sa iyo; paraparang kakamtan mo huag ka lamang paraig sa katamaran, gamitin mo lamang ang isip at lakas na ipinagkaloob ko sa iyo; huag mong alalahanin ang dilim sa lupa; narian ang bituing mapanununtunan mo kung maglalayag sa kalauakan nang dagat; uala akong hangad anak ko, kundi ang kamtan mong mahinusay ang boong ginahawa, boong kasaganaan at payapang pamumuhay. Talastas kong, kapos ang kamo sa pagganti sa akin; talastas kong salat ang lakas mo, sapat na ang mahalin mo ang kapua mo tao, alangalang man lamang sa pagmamahal ko sa lahat; mahalin mo ang linikha ko. Mahalin mo ang minamahal ko at bukas makalaua’I tanging ligaya pang pilit ang tatamuhin mo.
Diyan ay sukat mng nabgnababaagan, nanasang irog, ang kadakilaan niyong Dios na di nalilingat sanli man sa pagkakalinga sa atin. Dakila sa Kapangyarihan, dakila sa karunungan, at dakila pa nga rin sa pagibig, sa pagmamahal at pagpapalayaon sa kaniyang manga aanak ditto sa lupa; at pantas man o mangmang, mayayaman man at dukha ay ualang nauauaglit sa mairog at lubos niyang paglingap.
Sa kadakilaang ito’y sino kaya sa mundo ang sa kaniya’I makahuhuad? HUag na ang mga gauang lumikha, huag na sa pagdudulot nang buhay at kaligayahan, may puso kaya baga sa lupang makpagmamahal sa iyo nang gayong pagmamahal? May puso kaya baga sa lupang makapamumuhunan nang boong pag irog sa iyo, kahit sukat na sukat nang uala kang igaganti kundi katampalasanan? May puso kaya bagang makakarating sa gayong pag-ibig?
Mahirap sa banta ko.
Nguni, laking kapangasahan! May nanga-papangap sa lupang sila raw ang kahaliling Dios, itinuturo sa atin sa lahat nang oras, sa bala nilang kilos, ang sila’I igalang, sila’I sambahin, sila’I katakutan, at dili umapo’y sila ang kahalili nang Dios; bakit! Naiuala na baga ang Dios sa langit, nauala na baga sa lupa at hahalinhan na nang hamak sa tauo? Nauala na baga ang kanyang kapangyarihan, nauala na kaya ang kaniyang aua’t pagibig sa atin, at tauo n lamang ang tataugin nating kahalili nang Dios?
At sino kaya baga ang nangag papangap nang gayin? Manga tauong pantas baga na may inimpok na kabaitan o manga maauain kayang dumadamay sa ating pighati?
Kun gayon nga sana’I matatangap na nating maguing pangaluang Dios na rito sa ibabaw ng lupa. Nguni’t hindi gayon ang nakikita natin, kapatid kong irog.
Ang nangagapapangap na kahalili nang Dios ay ang manga fraile; manga tauong tubo sa kaparangan at kabundukan sa Espanya: anak sa karalitaan at ualang maipakain ang kanilang mga magulat ay nangagsisipasok sa convent, buhat sa pagkabata; diyan lumalaki, magsusuut nang abitong sagana sa bulsa hangang sa dalauang mangas, magsasabit sa tuktok at ahit batok, magaral nang kapatak na uikang latin, at ipadadala nang cura sa katagalugan.
Sa ganitong kalagayan ay siya nang pananagana; may mayamang tahanan sa pinagcurahan at ualang kilos ang cristianong di pinagkakasalapian; binyag, kasal, libing, kandila at sarisaring pafiesta ay siyang guinagauang alulud nang ating pinaghahanapn na ang tungo’I punui’t saganain ang madla’t maluluang nilan bulsa; samantalang iniaaral naman sa atin ang lubos na pagpapakadukha alang-alang sa Dios.
Ito ang nangapapangap na nang Maykapal; kilalanain mo kapatid ko’t nang mapanulos ka sa paniniuala, sakaling pinagsasauaan mo na ang kadakilaan nang tunay na Dios.
Source: Marcelo H. Del Pilar
Ang Kanyang Buhay, Diwa at Panulat sinulat ni Antonio Valeriano, 1882 Samahang Pangkasaysayan ng Bulakan
Comments